2021

2020 was a shitshow but I think our relationship is in a good place. Reading my past post about “dapat alam mo na dapat yan” naiintindihan ko naman na kung bakit nasasabi mo yun. I know I haven’t been the perfect partner but I’m trying.

Now that we’re not focused on internal problems, as usual, may time na to notice shit from outside. Madaming problema, madaming anxiety. Will I get somewhere with what I’m doing? Muntik na nga ako maiyak dahil dito nung birthday ko, what the fuck! Tumanda nanaman ako and I have nothing to show for it except for my age.

So I have to drill this into my brain. Finish something. Finish anything. Kahit maliit. Videogame man yan or degree. One step at a time. Focus.

It’s 2021, I don’t believe in superstitions but It’s hard NOT to be optimistic because of the new year.

A letter to my narc wife

I have to let this out. Mabigat dalhin. I think I’m a narcissist. I know I’m married to one too. We deserve each other ‘ika nga nila. We make no mistakes, it’s everybody else’s fault. Ayos na mentality pag external ang problema. Pag may challenges mula sa ibang tao pero paano na pag tayong nagaaway? Ano nang mangyayari?

Don’t get me wrong, I love you. I really do. Nakakapagod lang na sa bawat conflict sa buhay natin ako ang may mali, ako ang may problema, ako ang nagsimula, ako ang nagdeviate sa expectations sa plano. Ako ang kontrabida.

Hindi ka perpektong tao, nagkakamali ka. Hindi ako madaling ma-offend pero nakakalungkot lang sa rare times na masasaktan mo ako wala akong pwedeng asahan na apology. Ilang beses nating pinag-awayan na mas mahaba pa ang pisi mo sa mga strangers. Minsan nagseselos nga ako kasi mas understanding ka, mas malambing ka sa mga bagong tao, mas considerate. Pag tinatanong kita kung bakit ang bilis mong mairita sa akin ang sagot mo lang “kasi mataas expectations ko sayo”. Parang nagaantay ka lang na magkamali lahat ng tao. Nagaantay kang maoffend.

Kung may tamang gawin wala naman appreciation, lahat ay expected. “Oh nilinis mo ang bahay! Thanks!” di ko pa yata narinig yan. Mas naririnig ko pa “Ah naglinis ka ng bahay. Bakit di mo nilinis ng maayos yung ano? Ako na nga”. “Bakit kailangan ko pang sabihin sayo na (insert something very specific na nasa utak niya). Dapat alam mo na yan!”. Hindi ako amuyong sa toxic at plastic niyong sorority. Pasensya na hindi ako natrain kung paano maging proper partner ng mga sisters mo. Literal na minsan sinabi ko sayo “I love you!” ang sagot mo sakin “may dumi ka sa mukha”.

Sa iyo na nakasentro ang buhay natin. Sa lahat ng decision mo. Anong kakainin. Kailan kakain. Saan magbabakasyon. Kailan magbabakasyon. Anong tamang ginagawa pag weekend. Saan mapupunta savings natin. Kaya ngayon nagtatago na ko ng pera para sa sarili ko. Lahat ng perang naipon ko simula pa ng nagtrabaho ko napunta sayo. Wala pa kong ginastos lagpas ng 20k na para sa sarili ko lang(except HMO). Ramdam na ramdam ko ang disapproval mo pag naglalaro ako ng PS kasi sa tingin mo hindi “dapat”.

Wala kang subtlety. Lahat ay either black or white. Good or bad. Your friend or your enemy. Kaya nung gumawa ako ng decision na naglipat sakin from the friend column to the enemy column di mo matanggap kasi mahal mo ko. Masakit sayo pero nasanay ka nang basta may hindi nag-aagree sa iyo ililipat mo sa kabila.

Hindi ka marunong magpatawad. Hindi ka sanay humingi ng tawad. Iniisip mo kasi hindi ka nagkakamali kaya hindi mo ever kinailangan humingi ng tawad.

Kaya din mahilig ka lumayas at magpalipat-lipat ng tao, ng hobbies, ng interests. Hindi nagli-live up sa expectations mo ang mga bagay kaya lipat ka agad. Everything disappoints you and your expectations.

You’re a narcissist. I am too. I don’t know how we move on from this.

I’m messed up

Some background: My friend is a cancer survivor. We kinda thought he won’t survive and we’re very happy that he did survive. That was around 15 years ago. Naging “normal” na ulit na nakakausap siya and parang nawala yung thought na cancer survivor nga siya. Recently, may medical problems ulit siya and, hindi ako sigurado, pero may nadetect yata ulit. Sana wala. Hopeful naman siya.

The messed-up part: I recently got a tattoo. May high pa ko at obsession about tattoos. Nandoon pa yung novelty niya. As in 2 hours a day nagtitingin ako ng next tattoo ko. Nung nalaman ko yung balita sa kaibigan ko, kasama na sa mga tinitingnan kong tattoo ay ang mga possible na tribute tattoo pag namatay siya.

3rd Law

I think I have a problem with being codependent. Inisip ko dati na basta mapasaya ko siya masaya na rin ako. Sumobra naman yata. Hindi ko na alam ngayon kung anong magpapasaya sakin dahil basta masaya siya iniisip ko masaya na rin ako. Ano na ngayon? Ano nga bang magpapasaya sakin? Hindi ko yata ever nalaman. Kahit sa dating relationship ko ganito rin ako (mas malala pa nga).

good fat, bad fat

I’m trying to lose weight. I’ve been doing intermittent fasting for 5 weeks now. 16hours fasting, 8 hour window to eat. eat normal, healthy meals. hindi kakain para “bumawi” and guess what?! mataas pala cholesterol ko. 300, ang normal yata ay 100 lang maximum.

my body is breaking down. kalabaw lang ang hindi tumatanda, sabi nga nila. bukod sa natural na kalaban na panahon, idagdag pa ang abusong ginawa ko sa katawan ko nung bata pa ako, hindi nakakapagtaka kung anong mga sumasakit sa katawan ko.

napaisip tuloy ako sa mga regrets. sana inalagaan ko katawan ko, di ko naging pride ang pagpupuyat at pagiinom. sana nagkaroon ako ng disiplina. napaisip tuloy ako kung paano ko ba pinagiisipan ang regrets?

madami akong regrets. ang nakaraan ang demonyo ng buhay ko. maraming memories na ako nalang ang nakaka-alala pero kinahihiya ko parin. minsan biglang may maaalala ako tapos sa sobrang kahihiyan ko mapapamura ako out loud para lang matabunan yung thought.

kakabasa ko lang sa reddit ang isang LPT, parang “be a turtle. move at your own pace. carry a hard shell” ibang post na siguro yung “move at your own pace” doon muna tayo sa “carry a hard shell”. may feeling akong related yung thing ko about my past at yung insecurities ko sa buhay. di ako makaget-over sa pagkakamali ko, imagine, ako na mismo di ko mapatawad sarili ko sa mga kalokohan ko noon. paano pa kaya ang ibang tao?

sabi nga ni bill burr: “why are we always working on me?”. sabi nila recognizing the problem is the first part of the solution. i know I’m broken so paano ko na ngayon aayusin? ang traditional advice ay go out of your comfort zone, so anong ginagawa ko? am i venturing out? sa tingin ko, oo, medyo. tumanggap ng criticism, wag maging defensive. like a muscle, iexercise, bask in it. im opening up. hindi titigas ang shell pag hinimas-himas lang (ibang body part yun, fuck, i just had to put that lame joke in).

i’m not creative

I’m not creative. kung may magsabi na nakasalalay ang buhay ko sa pagcome up sa isang creative na idea baka tanggapin ko nalang na mamamatay na ko.

I’ve always taken pride sa kapansanan kong ito. insecurity siguro, ego, yabang. ipagyayabang ko nalang na ganoon ako kaysa ayusin.

i admire creative people. lagi ako nakikinig ng podcasts tungkol sa mga musicians, filmmakers, at stand up comedians tungkol sa “process” nila on how they come up with their shit. Sa daming klase ng creative na tao ang narinig ko sa podcasts na paulit-ulit nilang binabanggit ang “grind” pero ngayon lang yata pumasok sa makapal kung bungo na subukan ko rin. di ko alam kung anong effect, maglabas siguro ng stress. mag-rant. kaya ngayon susubukan ko. anonymously. masyado kong insecure para ilabasa identity ko at isang mahabang storya yun.

Design a site like this with WordPress.com
Get started