good fat, bad fat

I’m trying to lose weight. I’ve been doing intermittent fasting for 5 weeks now. 16hours fasting, 8 hour window to eat. eat normal, healthy meals. hindi kakain para “bumawi” and guess what?! mataas pala cholesterol ko. 300, ang normal yata ay 100 lang maximum.

my body is breaking down. kalabaw lang ang hindi tumatanda, sabi nga nila. bukod sa natural na kalaban na panahon, idagdag pa ang abusong ginawa ko sa katawan ko nung bata pa ako, hindi nakakapagtaka kung anong mga sumasakit sa katawan ko.

napaisip tuloy ako sa mga regrets. sana inalagaan ko katawan ko, di ko naging pride ang pagpupuyat at pagiinom. sana nagkaroon ako ng disiplina. napaisip tuloy ako kung paano ko ba pinagiisipan ang regrets?

madami akong regrets. ang nakaraan ang demonyo ng buhay ko. maraming memories na ako nalang ang nakaka-alala pero kinahihiya ko parin. minsan biglang may maaalala ako tapos sa sobrang kahihiyan ko mapapamura ako out loud para lang matabunan yung thought.

kakabasa ko lang sa reddit ang isang LPT, parang “be a turtle. move at your own pace. carry a hard shell” ibang post na siguro yung “move at your own pace” doon muna tayo sa “carry a hard shell”. may feeling akong related yung thing ko about my past at yung insecurities ko sa buhay. di ako makaget-over sa pagkakamali ko, imagine, ako na mismo di ko mapatawad sarili ko sa mga kalokohan ko noon. paano pa kaya ang ibang tao?

sabi nga ni bill burr: “why are we always working on me?”. sabi nila recognizing the problem is the first part of the solution. i know I’m broken so paano ko na ngayon aayusin? ang traditional advice ay go out of your comfort zone, so anong ginagawa ko? am i venturing out? sa tingin ko, oo, medyo. tumanggap ng criticism, wag maging defensive. like a muscle, iexercise, bask in it. im opening up. hindi titigas ang shell pag hinimas-himas lang (ibang body part yun, fuck, i just had to put that lame joke in).

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started