A letter to my narc wife

I have to let this out. Mabigat dalhin. I think I’m a narcissist. I know I’m married to one too. We deserve each other ‘ika nga nila. We make no mistakes, it’s everybody else’s fault. Ayos na mentality pag external ang problema. Pag may challenges mula sa ibang tao pero paano na pag tayong nagaaway? Ano nang mangyayari?

Don’t get me wrong, I love you. I really do. Nakakapagod lang na sa bawat conflict sa buhay natin ako ang may mali, ako ang may problema, ako ang nagsimula, ako ang nagdeviate sa expectations sa plano. Ako ang kontrabida.

Hindi ka perpektong tao, nagkakamali ka. Hindi ako madaling ma-offend pero nakakalungkot lang sa rare times na masasaktan mo ako wala akong pwedeng asahan na apology. Ilang beses nating pinag-awayan na mas mahaba pa ang pisi mo sa mga strangers. Minsan nagseselos nga ako kasi mas understanding ka, mas malambing ka sa mga bagong tao, mas considerate. Pag tinatanong kita kung bakit ang bilis mong mairita sa akin ang sagot mo lang “kasi mataas expectations ko sayo”. Parang nagaantay ka lang na magkamali lahat ng tao. Nagaantay kang maoffend.

Kung may tamang gawin wala naman appreciation, lahat ay expected. “Oh nilinis mo ang bahay! Thanks!” di ko pa yata narinig yan. Mas naririnig ko pa “Ah naglinis ka ng bahay. Bakit di mo nilinis ng maayos yung ano? Ako na nga”. “Bakit kailangan ko pang sabihin sayo na (insert something very specific na nasa utak niya). Dapat alam mo na yan!”. Hindi ako amuyong sa toxic at plastic niyong sorority. Pasensya na hindi ako natrain kung paano maging proper partner ng mga sisters mo. Literal na minsan sinabi ko sayo “I love you!” ang sagot mo sakin “may dumi ka sa mukha”.

Sa iyo na nakasentro ang buhay natin. Sa lahat ng decision mo. Anong kakainin. Kailan kakain. Saan magbabakasyon. Kailan magbabakasyon. Anong tamang ginagawa pag weekend. Saan mapupunta savings natin. Kaya ngayon nagtatago na ko ng pera para sa sarili ko. Lahat ng perang naipon ko simula pa ng nagtrabaho ko napunta sayo. Wala pa kong ginastos lagpas ng 20k na para sa sarili ko lang(except HMO). Ramdam na ramdam ko ang disapproval mo pag naglalaro ako ng PS kasi sa tingin mo hindi “dapat”.

Wala kang subtlety. Lahat ay either black or white. Good or bad. Your friend or your enemy. Kaya nung gumawa ako ng decision na naglipat sakin from the friend column to the enemy column di mo matanggap kasi mahal mo ko. Masakit sayo pero nasanay ka nang basta may hindi nag-aagree sa iyo ililipat mo sa kabila.

Hindi ka marunong magpatawad. Hindi ka sanay humingi ng tawad. Iniisip mo kasi hindi ka nagkakamali kaya hindi mo ever kinailangan humingi ng tawad.

Kaya din mahilig ka lumayas at magpalipat-lipat ng tao, ng hobbies, ng interests. Hindi nagli-live up sa expectations mo ang mga bagay kaya lipat ka agad. Everything disappoints you and your expectations.

You’re a narcissist. I am too. I don’t know how we move on from this.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started